Friday, February 6, 2009
naalala ko lang..
naalala ko lang ng pinakialaman ko yung 3210 ng kuya ko para maglaro ng snake..eh dahil nga sa pakialamero ako na block ko ang sim niya..
naalala ko lang ng basagin ko ang aking alkansya para pan down payment sa 3210 ng ate ako kahit 4 lang ang kilala kong may celphone..
naalala ko lang kapag nakakatanggap ako ng message na ang message tone ko eh level 5 na special.. nakakahiya pala yun..
naalala ko lang noong may sidecar kami.. ate ko nagdrdrive.. hinabol kami ng aso.. iniwan niya ang manibela at umupo sa tabi namin.. tumumba ang sidecar gasgas ang inabot namin..
naalala ko lang ng inutusan akong bumili ng calcibloc gamot para sa high blood.. binili ko calcium lact. (calcium lactate) kaya pala mura ang walang hiya..
naalala ko lang ng gumigising kami maaga para mag jogging ng mga kaibigan ko.. ngayon ko lang na realize na ang payat payat ko pala nun.. may pa jogging jogging pa akong nalalaman..
naalala ko lang ng nagpayabangan kami ng pinsan ko na tumalon sa isang pader.. tumalon ako na 1 foot ang difference sa kanyang tinalunan.. napilay ako.. binuhat nila akong pauwi..
naalala ko lang xmas party.. nabunot ang pangalan ko.. giftcert na worth 200 din yun.. natuwa ako.. kinabukasan kinukuha ko na sa manager yung prize ko.. di daw ako nanalo.. di daw nakacheck ang pangalan ko.. nagtaka ako at napahiya na rin.. napag alaman ko na dahil malabo ang mga mata ng manager namin.. ibang pangalan ang chineckan.. buset siya!
naalala ko lang ng first time kong makasakay ng honda civic.. kasama ko yung isa pang cashier.. sasakyan ng boss ko yun.. hinatid kami sa police station dahil nahuli niya kaming may pautang sa kaha.. humigit kumulang sa 10,000 pesos.. buti naman at kinausap lang kami ng pulis at di kami kinulong.. rest in peace sa kasama ko.. patay na siya.. baka lang matanong niyo..
naalala ko lang nang may pumasok na palaka sa bahay namin.. napatingin ako sa gawi niya.. nagulat ako't nagulat din siya sa pagkagulat ko.. nagugulat din pala sila..
naalala ko lang ng pinabilhan kami ng ice cream ng nanay ng ex husband ng ate ko.. sa baguio iyon.. tinanong kung anong flavor ang nabili namin.. lakas loob kong sinagot na rock and roll.. rocky road pala siya..
nalalala ko lang ng may sakit ang nanay.. may lbm ata.. nagpabili siya ng bear brand yung sterelized na nakalata.. pagkaabot ko sa kanya ininom niya agad.. nakalahati niya.. pinatabi na sa akin.. ng tingnan ko yung lata.. evaporada ang nakasulat.. mali yung ibinigay ng tindera di ko napansin.. tinawanan na lang namin..
ost na lang ulit ako pag may naalala ulit..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment