
may pusa kami.. iba-iba yung kulay niya.. di ko na maalala kung saan galing.. sabi nila swerte daw yun, tapos kakaiba din ang kulay ng mata.. yung isa green yung isa blue.. noong bata pa yun gustong-gusto ko siyang nilalaro.. kukunin ko siya ilalapag sa floor tapos paiikot ko siya mga 20x sabay bitiw.. kawawang pusa.. minsan pagkatapos ko siyang iikot pag bitiw ko tatakbo siyang pa side.. nyahaha.. minsan naman binitiwan ko na siya ikot pa rin siya ng ikot.. wahahaha.. isang araw nag-isip kaming ipapangalan sa kanya.. wala silang maisip, sabi ko garfield na lang.. sabi nila.. di pwedeng garfield.. babae siya.. e di girlfield sabi ko.. tawa sila.. hanggang naging girlfield na ang tawag namin sa kanya..
noong medyo malaki laki na siya.. ginagawa ko siyang pantakot sa mga kapatid ko.. habang nakatalikod sila kukunin ko si girlfield.. lalapitan ko sila sabay pisil sa tiyan niya.. syempre yung kawawang pusa mapapa meow ng ubod ng lakas.. magugulat sila nun.. lagi kong ginagawa sa kanila yun.. haha.. heto na ang karma ko.. ganun din.. nakatalikod sila kinuha ko si girlfield nilagay ko sa kandungan ko.. sabay pisil sa tiyan na.. imbes na meow ang lumabas na boses.. pwaaark ang narinig namin.. walang hiyang girlfield (at ako na rin..) bumaho sa bahay.. nagtawanan sila imbes na sila ang mabiktima ako ang nabiktima.. yung uu ng pusa kumalat sa short ko.. pucha! ang bahoooooooo! naligo tuloy ako ng di oras.. karma nga naman..
heto pa ang karma.. umuulan nun, maputik sa labas ng bahay.. kami lang dalawa sa bahay ni girlfield.. kakain na sana akong ng pagbukas ko sa lalagyan ng ulam.. nawawala ang ulam ko.. langyang pusa.. inunahan ata ako sa ulam.. kaso walang akong proof na siya ang kumain.. hinintay ko siyang magpakita.. hanggang sa nakita ko nga siya.. dumidila-dila pa.. kinuha ko siya sabay amoy sa bibig niya.. nyahaha.. pucha! amoy ulam ko! (nakalimutan ko na kung anong ulam yun) yari ka sa akin ngayun.. sa sobrang inis kinuha ko siya binalibag sa labas ng bahay.. nakalimutan ko maputik pala sa labas.. pero hinayaan ko siya sabay sara sa pinto.. magdusa ka pusa! ilang sandali naririnig ko ang meow niya.. pagtingala ko nakita ko siya sa taas.. galing ata sa bubong.. basang-basa sa putik.. parang sundalo lang na nakipagbakbakan sa giyera.. although di naman siya mukhang nasaktan sa paglibag ko sa kanya.. medyo na guilty ako sa ginawa ko.. hinintay ko siyang makakababa.. kumuha ako ng tuyong basahan.. kinausap ko siya habang pinupunasan ko ang putik sa balahibo niya.. ikaw kasi ang takaw mo! kung hindi mo kinain ang ulam ko di mangyayari sa iyo yan.. kung nagsasalita lang siguro siya baka sabihin niya na ikaw kasi demonyo ka! nyahaha..
last na hindi ko malilimutan kay girlfield..
umuwi ako galing work.. nanood ng dvd.. kumain.. nilatag ko na ang tutulugan ko.. sa sala ako natutulog.. matutulog na sana ako ng marinig ko siyang nag meow.. meow.. lumabas siya sa kwarto.. tinitingnan niya ako habang nag meomeomeow.. parang may sinasabi sa akin.. pumasok siya sa kwarto..sinundan ko siya.. nakita ko siyang sumuksok sa ilalim ng kama.. sinilip ko siya.. nag meomeowmeow pa rin siya habang nakatingin sa akin.. parang may gusto siyang ipakita.. ng inilawan ko naman siya sa baba.. wala naman akong makitang kakaiba.. pinagtitripan ata ako ng pusa na ito sa loob ko.. labas na ako sa kwarto.. lumabas din siya.. hihiga na sana ako heto na naman siya.. nakatingin sa akin.. nagmeomeow meow na namam.. anong problema mo sabi ko..(as if naman sasagutin niya ako) pasok ulit sa kwarto sinundan ko siya.. sumuksok ulit sa ilalim ng kama.. sinilip ko ulit.. nakatingin sa akin habang nag meomeowmeow.. dun na ako natakot.. nangilabot ako.. di kaya nakakakita ng multo ang hayop na ito.. sabi ko sa sarili ko.. nilayasan ko ulit siya.. lumabas na naman siya.. 4x kaming ganun.. hanggang sa nagsawa na ako.. wala naman akong nakikita sa parang itinuturo niya.. hinyaan ko na siya.. bahala kang magsawang mag meow diyan.. meow meow pa rin siya.. di ko na siya pinansin.. tumigil din siya.. salamat naman sabi ko sa isip ko.. bigla may naramdaman akong naglalakad palapit sa akin.. nagulat ako.. yun pala si girlfield lang.. sumiksik sa side ko.. o siya! hinayaan ko na lang siya.. tabi na lang kaming matulog kawawa naman.. baka nga may nakikita siya na hindi ko nakikita.. takot siguro.. pinatay ko na ang ilaw.. after 30 minutes siguro.. may narinig akong maliliit na meow.. tumayo ako.. binuksan ko ang ilaw nakita ko si girlfield.. may nakita akong kuting na maliit sa side niya.. ang walang hiya! nanganak sa side ko! gusto pala ata akong gawing midwife niya kaya hindi niya ako tinigilan.. buset siya.. akala ko pa naman kung ano na! ginawa ko pinasok ko siya sa kuwarto kasama yung anak niya.. tutal gusto mo rin diyan.. diyan ka manganak leche ka! sabay lock ng pinto.. natulog na ako..
kinabukasan binuksan ko ang kwarto.. sinilip ko siya.. nakaraos na ata.. nakalimutan ko na kung ilan yung anak niya.. basta sa isip ko.. hintayin ko kayong lumaki ng konti.. may mabubully na naman ako.. nyahahaha.. yun lang..

ps: di na kami magkasama ngayun.. lumipat na akong bahay kung saan andun si matty.. naiwan siya sa mga kapatid ko na kapitbahay ko rin.. buhay pa naman.. sa ngayon buntis na naman ata or baka nanganak na..
