last sunday..
ang galing ni matty! (nanay ko.. pinagandang tawag sa matwa.. sa tagalog matanda) naglaba ako ng damit ko.. bakit ako naglalaba? ayoko palaba sa kanila.. paano naman kasi.. last na nilabhan nila yung damit ko yung mga sando ko na white ng matuyo kulay pink na.. nagkaroon tuloy ako ng kulay pink na sando..
gabi yun.. mga 11pm na ata.. sa banyo ako naglalaba.. last na lang eh.. kinuha ko sa dryer yung mga pantalon.. sasampay ko na sila ng dumating ang main kontra bida sa istorya.. si matty, bat nakasindi lahat ang mga ilaw? sabi niya.. sabi ko naglalaba ako.. pinatay pa rin niya.. sabay alis.. pumunta sa labas.. bale cr na lang ang nakasindi.. ng lumabas ako sa cr ang dilim.. wala akong makita.. hawak hawak ko mga pantalon ko na nakahanger na.. nangapa ako sa dilim.. sisindihan ko na ang switch ng ilaw nang biglang tumama yung bandang ilalim ng tuhod ko sa papag! (in between knee and foot.. nuba tawag dun?) taena.. sakit.. muntik pa akong masubsob.. pero kahit nagkaganun man.. nakuha ko pa rin ma switch ang ilaw.. at makapagsampay sa labas..
pagbalik ko napaupo ako sa papag.. tiningnan ko yung tumama sa akin.. pucha! bumukol! binuksan ko yung ref.. kuha ako sa mga tinitinda niya ice candy.. ni roll roll ko sa bukol.. aba, epektib.. lumiliit ang bukol.. binalik ko yung ice candy sa ref.. good luck sa makakabili nun..
lumabas ako.. pinuntahan ko si matty,.. kinuwento ko ang nangyari.. pinakita ko sa kanya ang bukol.. imbes na makunsensiya, pinagtawanan pa ako.. nang umuwi siya, tinanong ako kung may nakasinding ilaw.. sabi ko pinatay ko lahat.. bwahaha.. pasalamat siya, wala akong choice kundi ang tumira sa kanya.. yun lang..
Tuesday, February 24, 2009
Friday, February 20, 2009
holiday daw.. buset!

finally, ginawa na ngang holiday ng malacaƱang ang edsa 1.. actually na moved siya ng feb 23.. magcecelebrate na sana ako.. kaya lang bakit estudyante lang (hanggang college level pa ata.. no offense) ang walang pasok? sila lang ba ang may karapatang gumunita sa edsa 1? dapat pati teacher may pasok.. di naman sila estudyante.. buset talaga.. kawawa naman kaming mga manggagawang pinoy.. kailangan din namin ng pahinga.. nyahaha..
kailangan ko ng eksplanasyon.. favorite holiday ko pa man din yan.. (joke lang) sana magbago ulit isip ng malacaƱang sa sabado.. kung wala silang isip sa sabado.. sa sunday na lang..
makakain na nga lang ng ampalaya..
Friday, February 6, 2009
naalala ko lang..
naalala ko lang ng pinakialaman ko yung 3210 ng kuya ko para maglaro ng snake..eh dahil nga sa pakialamero ako na block ko ang sim niya..
naalala ko lang ng basagin ko ang aking alkansya para pan down payment sa 3210 ng ate ako kahit 4 lang ang kilala kong may celphone..
naalala ko lang kapag nakakatanggap ako ng message na ang message tone ko eh level 5 na special.. nakakahiya pala yun..
naalala ko lang noong may sidecar kami.. ate ko nagdrdrive.. hinabol kami ng aso.. iniwan niya ang manibela at umupo sa tabi namin.. tumumba ang sidecar gasgas ang inabot namin..
naalala ko lang ng inutusan akong bumili ng calcibloc gamot para sa high blood.. binili ko calcium lact. (calcium lactate) kaya pala mura ang walang hiya..
naalala ko lang ng gumigising kami maaga para mag jogging ng mga kaibigan ko.. ngayon ko lang na realize na ang payat payat ko pala nun.. may pa jogging jogging pa akong nalalaman..
naalala ko lang ng nagpayabangan kami ng pinsan ko na tumalon sa isang pader.. tumalon ako na 1 foot ang difference sa kanyang tinalunan.. napilay ako.. binuhat nila akong pauwi..
naalala ko lang xmas party.. nabunot ang pangalan ko.. giftcert na worth 200 din yun.. natuwa ako.. kinabukasan kinukuha ko na sa manager yung prize ko.. di daw ako nanalo.. di daw nakacheck ang pangalan ko.. nagtaka ako at napahiya na rin.. napag alaman ko na dahil malabo ang mga mata ng manager namin.. ibang pangalan ang chineckan.. buset siya!
naalala ko lang ng first time kong makasakay ng honda civic.. kasama ko yung isa pang cashier.. sasakyan ng boss ko yun.. hinatid kami sa police station dahil nahuli niya kaming may pautang sa kaha.. humigit kumulang sa 10,000 pesos.. buti naman at kinausap lang kami ng pulis at di kami kinulong.. rest in peace sa kasama ko.. patay na siya.. baka lang matanong niyo..
naalala ko lang nang may pumasok na palaka sa bahay namin.. napatingin ako sa gawi niya.. nagulat ako't nagulat din siya sa pagkagulat ko.. nagugulat din pala sila..
naalala ko lang ng pinabilhan kami ng ice cream ng nanay ng ex husband ng ate ko.. sa baguio iyon.. tinanong kung anong flavor ang nabili namin.. lakas loob kong sinagot na rock and roll.. rocky road pala siya..
nalalala ko lang ng may sakit ang nanay.. may lbm ata.. nagpabili siya ng bear brand yung sterelized na nakalata.. pagkaabot ko sa kanya ininom niya agad.. nakalahati niya.. pinatabi na sa akin.. ng tingnan ko yung lata.. evaporada ang nakasulat.. mali yung ibinigay ng tindera di ko napansin.. tinawanan na lang namin..
ost na lang ulit ako pag may naalala ulit..
Subscribe to:
Posts (Atom)
