last sunday..
ang galing ni matty! (nanay ko.. pinagandang tawag sa matwa.. sa tagalog matanda) naglaba ako ng damit ko.. bakit ako naglalaba? ayoko palaba sa kanila.. paano naman kasi.. last na nilabhan nila yung damit ko yung mga sando ko na white ng matuyo kulay pink na.. nagkaroon tuloy ako ng kulay pink na sando..
gabi yun.. mga 11pm na ata.. sa banyo ako naglalaba.. last na lang eh.. kinuha ko sa dryer yung mga pantalon.. sasampay ko na sila ng dumating ang main kontra bida sa istorya.. si matty, bat nakasindi lahat ang mga ilaw? sabi niya.. sabi ko naglalaba ako.. pinatay pa rin niya.. sabay alis.. pumunta sa labas.. bale cr na lang ang nakasindi.. ng lumabas ako sa cr ang dilim.. wala akong makita.. hawak hawak ko mga pantalon ko na nakahanger na.. nangapa ako sa dilim.. sisindihan ko na ang switch ng ilaw nang biglang tumama yung bandang ilalim ng tuhod ko sa papag! (in between knee and foot.. nuba tawag dun?) taena.. sakit.. muntik pa akong masubsob.. pero kahit nagkaganun man.. nakuha ko pa rin ma switch ang ilaw.. at makapagsampay sa labas..
pagbalik ko napaupo ako sa papag.. tiningnan ko yung tumama sa akin.. pucha! bumukol! binuksan ko yung ref.. kuha ako sa mga tinitinda niya ice candy.. ni roll roll ko sa bukol.. aba, epektib.. lumiliit ang bukol.. binalik ko yung ice candy sa ref.. good luck sa makakabili nun..
lumabas ako.. pinuntahan ko si matty,.. kinuwento ko ang nangyari.. pinakita ko sa kanya ang bukol.. imbes na makunsensiya, pinagtawanan pa ako.. nang umuwi siya, tinanong ako kung may nakasinding ilaw.. sabi ko pinatay ko lahat.. bwahaha.. pasalamat siya, wala akong choice kundi ang tumira sa kanya.. yun lang..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment