Sunday, July 26, 2009

si matty at ang magic sarap..

noong miyerkules bago ako pumasok sa work ginamit ko yung cologne ng kapatid ko.. johnsons na kulay gold yung laman.. naubusan kasi ako ng cologne ko eh wala pa akong perang pambili kaya no choice ako.. (fast forward)



pauwi na kami sa work kasama ko si james and apol.. sakay kami sa jeep isa lang ang sakay na nasa dulo.. sakay silang dalawa sa right side sa dulo.. ako naman sa left side.. dulo rin sa tabi ng lalake.. eh lagi ako nag-aabot ng bayad ng dalawang magaling na kasama ko sa btc.. pwes sa gabi na ito si james naman.. haha! kahit anong pilit ni jaime na akong mag abot ayoko ko.. sumiksik siya kay apol para malayo siya sa driver sumiksik din ako sa katabi ko para lumayo din ako sa driver.. sa huli talo siya.. siya ang nag abot ng bayad.. bwahahaha! pagkatapos may mga sumakay ng iba na malapit sa driver.. malapit na kami sa bababaan namin ng pumara ang ibang mga pasahero.. yung mga katabi ko from left side tumayo na para bumaba.... tapos yung katabi ko biglang sabi bayad o! buset siya! akala ko pa naman di na ako mag-aabot sa bayad sa driver.. kung kailan pababa na siya dun nagbayad.. akala ata mapa-flatan ang jeep kaya di nagbabayad.. (no-offense pol and james).. buset talaga! buset! buset!


kinabukasan.. di ko alam kung anong babaunin kong ulam.. biglang naisip ko.. binagoongan.. my favorite.. nyam nyam! hanap akong payong para bumili ng baboy.. wala akong mahanap.. umalis na lang ako walang dalang payong sa ilalim ng sikat ng araw.. mga 5 minutes walk din yun.. pag uwi sa bahay dala dala ko na ang baboy.. hinanap ko si matty.. (nanay ko) aba, busy siyang nakikinood ng dvd.. concert ng aegis.. tinawag ko siya.. matty may sasabihin ako sa iyo.. tinago ko sa likod ko ang baboy.. lapit naman siya akala ata bibigyan ko ng pera.. paglapit niya! tsaraaaaaaaaaaan! pinakita ko sa kanya ang baboy.. pagluto mo ako ng binagoongan..


hmp! akala ko naman kung ano sabi niya.. wait lang sabi niya uwi ko muna daw.. inuwi ko naman.. after 10 minutes wala pa rin siya.. labas ako siguro mga 10 steps away lang ang bahay kung nasaan siya.. matttttttttty! ang baboy inuuod na! haha! labas naman siya.. ako na ang naghugas sa baboy.. habang nagluluto siya.. bili ka ng magic sarap para sumarap.. bili naman ako.. idol niya ata si juday.. pagkabili, naligo na ako.. habang naliligo sinasabi pa ni matty kung paano niya niluluto ang baboy.. lalagay ko ba lahat ng bagoong.. waaaaag sabi ko.. paano naman isang garapon na malaki ang bagoong.. nilagyan niya raw ng asukal.. halos 1/2 na kilo na raw ang nilagay niya maalat pa rin.. (exag lang niya yun) nilagyan ng ketchup.. lagyan ko kaya ng kape? tanong niya sa akin.. sige bahala ka sabi ko naman.. ayan tapos na.. pwede na ito.. ikaw na maglagay sa baunan mo.. layas na siya..


paglabas ko sa cr.. nagbihis na ako..hinanap ko yung johnsons cologne ng kapatid ko.. nakita ko sa taas ng tv.. kulay gold ang laman.. nilagyan ko ang kamay ko.. nilagay sa katawan.. konti sa leeg.. konti sa batok.. pagbaba ko sa cologne nakita ko ang pangalan! OH EM GEE! eskinol ang walang hiya! magkakulay kasi! buset! buset! hinayaan ko na lang medyo mabango naman.. haha!


sa opis.. break time! nilabas ko ang aking binagoongan na w/ asukal,ketchup and w/ magic sarap! pagtikim namin.. huwaw!! halos di mo na malasahan ang baboy sa sobrang alat! kulang na lang ng manggang hilaw.. may pamagic magic sarap pa siyang nalalaman wala naman epek!.. sa sobrang alat sinasawsaw na lang namin sa suka.. di na namin kinayang ubusin sa sobrang alat.. inuwi ko na lang ang tira..


pag-uwi ko sa bahay 1:45am na bukas ang ilaw ng kwarto ko.. aba si matty, naglalaro ng zuma! nakataas pa ang dalawang paa.. tinanong niya ako.. may dala ka bang makakain? oo meron sabi ko.. ayun sa bag.. yung niluto mo na binagoongan na may magic sarap! magic din sa alat! natawa pa siya habang naglalaro ng zuma.. dapat daw sabi ko nilagyan mo ng talong.. tsaka dapat mga dalawang kutsara lang ng bagoong ang ilagay.. aba! parang may lumabas na ilaw sa ulo niya! sabi ko na eh! sabi niya.. tapos sinisi pa ako.. eh di ka naman kasi kumakain ng gulay sabi niya.. sabi ko di ko naman kakainin pampaalis lang ng alat.. ok sabi niya.. next time alam ko na.. sabi ko.. WAG NA! yun lang..


pahabol.. nakita ko yung bagoong na natira sa garapon.. halos 1/4 na lang ang natira.. so marami pa rin ang nilagay niya..