Wednesday, September 2, 2009

girlfield and me..


may pusa kami.. iba-iba yung kulay niya.. di ko na maalala kung saan galing.. sabi nila swerte daw yun, tapos kakaiba din ang kulay ng mata.. yung isa green yung isa blue.. noong bata pa yun gustong-gusto ko siyang nilalaro.. kukunin ko siya ilalapag sa floor tapos paiikot ko siya mga 20x sabay bitiw.. kawawang pusa.. minsan pagkatapos ko siyang iikot pag bitiw ko tatakbo siyang pa side.. nyahaha.. minsan naman binitiwan ko na siya ikot pa rin siya ng ikot.. wahahaha.. isang araw nag-isip kaming ipapangalan sa kanya.. wala silang maisip, sabi ko garfield na lang.. sabi nila.. di pwedeng garfield.. babae siya.. e di girlfield sabi ko.. tawa sila.. hanggang naging girlfield na ang tawag namin sa kanya..


noong medyo malaki laki na siya.. ginagawa ko siyang pantakot sa mga kapatid ko.. habang nakatalikod sila kukunin ko si girlfield.. lalapitan ko sila sabay pisil sa tiyan niya.. syempre yung kawawang pusa mapapa meow ng ubod ng lakas.. magugulat sila nun.. lagi kong ginagawa sa kanila yun.. haha.. heto na ang karma ko.. ganun din.. nakatalikod sila kinuha ko si girlfield nilagay ko sa kandungan ko.. sabay pisil sa tiyan na.. imbes na meow ang lumabas na boses.. pwaaark ang narinig namin.. walang hiyang girlfield (at ako na rin..) bumaho sa bahay.. nagtawanan sila imbes na sila ang mabiktima ako ang nabiktima.. yung uu ng pusa kumalat sa short ko.. pucha! ang bahoooooooo! naligo tuloy ako ng di oras.. karma nga naman..


heto pa ang karma.. umuulan nun, maputik sa labas ng bahay.. kami lang dalawa sa bahay ni girlfield.. kakain na sana akong ng pagbukas ko sa lalagyan ng ulam.. nawawala ang ulam ko.. langyang pusa.. inunahan ata ako sa ulam.. kaso walang akong proof na siya ang kumain.. hinintay ko siyang magpakita.. hanggang sa nakita ko nga siya.. dumidila-dila pa.. kinuha ko siya sabay amoy sa bibig niya.. nyahaha.. pucha! amoy ulam ko! (nakalimutan ko na kung anong ulam yun) yari ka sa akin ngayun.. sa sobrang inis kinuha ko siya binalibag sa labas ng bahay.. nakalimutan ko maputik pala sa labas.. pero hinayaan ko siya sabay sara sa pinto.. magdusa ka pusa! ilang sandali naririnig ko ang meow niya.. pagtingala ko nakita ko siya sa taas.. galing ata sa bubong.. basang-basa sa putik.. parang sundalo lang na nakipagbakbakan sa giyera.. although di naman siya mukhang nasaktan sa paglibag ko sa kanya.. medyo na guilty ako sa ginawa ko.. hinintay ko siyang makakababa.. kumuha ako ng tuyong basahan.. kinausap ko siya habang pinupunasan ko ang putik sa balahibo niya.. ikaw kasi ang takaw mo! kung hindi mo kinain ang ulam ko di mangyayari sa iyo yan.. kung nagsasalita lang siguro siya baka sabihin niya na ikaw kasi demonyo ka! nyahaha..


last na hindi ko malilimutan kay girlfield..

umuwi ako galing work.. nanood ng dvd.. kumain.. nilatag ko na ang tutulugan ko.. sa sala ako natutulog.. matutulog na sana ako ng marinig ko siyang nag meow.. meow.. lumabas siya sa kwarto.. tinitingnan niya ako habang nag meomeomeow.. parang may sinasabi sa akin.. pumasok siya sa kwarto..sinundan ko siya.. nakita ko siyang sumuksok sa ilalim ng kama.. sinilip ko siya.. nag meomeowmeow pa rin siya habang nakatingin sa akin.. parang may gusto siyang ipakita.. ng inilawan ko naman siya sa baba.. wala naman akong makitang kakaiba.. pinagtitripan ata ako ng pusa na ito sa loob ko.. labas na ako sa kwarto.. lumabas din siya.. hihiga na sana ako heto na naman siya.. nakatingin sa akin.. nagmeomeow meow na namam.. anong problema mo sabi ko..(as if naman sasagutin niya ako) pasok ulit sa kwarto sinundan ko siya.. sumuksok ulit sa ilalim ng kama.. sinilip ko ulit.. nakatingin sa akin habang nag meomeowmeow.. dun na ako natakot.. nangilabot ako.. di kaya nakakakita ng multo ang hayop na ito.. sabi ko sa sarili ko.. nilayasan ko ulit siya.. lumabas na naman siya.. 4x kaming ganun.. hanggang sa nagsawa na ako.. wala naman akong nakikita sa parang itinuturo niya.. hinyaan ko na siya.. bahala kang magsawang mag meow diyan.. meow meow pa rin siya.. di ko na siya pinansin.. tumigil din siya.. salamat naman sabi ko sa isip ko.. bigla may naramdaman akong naglalakad palapit sa akin.. nagulat ako.. yun pala si girlfield lang.. sumiksik sa side ko.. o siya! hinayaan ko na lang siya.. tabi na lang kaming matulog kawawa naman.. baka nga may nakikita siya na hindi ko nakikita.. takot siguro.. pinatay ko na ang ilaw.. after 30 minutes siguro.. may narinig akong maliliit na meow.. tumayo ako.. binuksan ko ang ilaw nakita ko si girlfield.. may nakita akong kuting na maliit sa side niya.. ang walang hiya! nanganak sa side ko! gusto pala ata akong gawing midwife niya kaya hindi niya ako tinigilan.. buset siya.. akala ko pa naman kung ano na! ginawa ko pinasok ko siya sa kuwarto kasama yung anak niya.. tutal gusto mo rin diyan.. diyan ka manganak leche ka! sabay lock ng pinto.. natulog na ako..


kinabukasan binuksan ko ang kwarto.. sinilip ko siya.. nakaraos na ata.. nakalimutan ko na kung ilan yung anak niya.. basta sa isip ko.. hintayin ko kayong lumaki ng konti.. may mabubully na naman ako.. nyahahaha.. yun lang.. : n a u g h t y :


ps: di na kami magkasama ngayun.. lumipat na akong bahay kung saan andun si matty.. naiwan siya sa mga kapatid ko na kapitbahay ko rin.. buhay pa naman.. sa ngayon buntis na naman ata or baka nanganak na..

Sunday, July 26, 2009

si matty at ang magic sarap..

noong miyerkules bago ako pumasok sa work ginamit ko yung cologne ng kapatid ko.. johnsons na kulay gold yung laman.. naubusan kasi ako ng cologne ko eh wala pa akong perang pambili kaya no choice ako.. (fast forward)



pauwi na kami sa work kasama ko si james and apol.. sakay kami sa jeep isa lang ang sakay na nasa dulo.. sakay silang dalawa sa right side sa dulo.. ako naman sa left side.. dulo rin sa tabi ng lalake.. eh lagi ako nag-aabot ng bayad ng dalawang magaling na kasama ko sa btc.. pwes sa gabi na ito si james naman.. haha! kahit anong pilit ni jaime na akong mag abot ayoko ko.. sumiksik siya kay apol para malayo siya sa driver sumiksik din ako sa katabi ko para lumayo din ako sa driver.. sa huli talo siya.. siya ang nag abot ng bayad.. bwahahaha! pagkatapos may mga sumakay ng iba na malapit sa driver.. malapit na kami sa bababaan namin ng pumara ang ibang mga pasahero.. yung mga katabi ko from left side tumayo na para bumaba.... tapos yung katabi ko biglang sabi bayad o! buset siya! akala ko pa naman di na ako mag-aabot sa bayad sa driver.. kung kailan pababa na siya dun nagbayad.. akala ata mapa-flatan ang jeep kaya di nagbabayad.. (no-offense pol and james).. buset talaga! buset! buset!


kinabukasan.. di ko alam kung anong babaunin kong ulam.. biglang naisip ko.. binagoongan.. my favorite.. nyam nyam! hanap akong payong para bumili ng baboy.. wala akong mahanap.. umalis na lang ako walang dalang payong sa ilalim ng sikat ng araw.. mga 5 minutes walk din yun.. pag uwi sa bahay dala dala ko na ang baboy.. hinanap ko si matty.. (nanay ko) aba, busy siyang nakikinood ng dvd.. concert ng aegis.. tinawag ko siya.. matty may sasabihin ako sa iyo.. tinago ko sa likod ko ang baboy.. lapit naman siya akala ata bibigyan ko ng pera.. paglapit niya! tsaraaaaaaaaaaan! pinakita ko sa kanya ang baboy.. pagluto mo ako ng binagoongan..


hmp! akala ko naman kung ano sabi niya.. wait lang sabi niya uwi ko muna daw.. inuwi ko naman.. after 10 minutes wala pa rin siya.. labas ako siguro mga 10 steps away lang ang bahay kung nasaan siya.. matttttttttty! ang baboy inuuod na! haha! labas naman siya.. ako na ang naghugas sa baboy.. habang nagluluto siya.. bili ka ng magic sarap para sumarap.. bili naman ako.. idol niya ata si juday.. pagkabili, naligo na ako.. habang naliligo sinasabi pa ni matty kung paano niya niluluto ang baboy.. lalagay ko ba lahat ng bagoong.. waaaaag sabi ko.. paano naman isang garapon na malaki ang bagoong.. nilagyan niya raw ng asukal.. halos 1/2 na kilo na raw ang nilagay niya maalat pa rin.. (exag lang niya yun) nilagyan ng ketchup.. lagyan ko kaya ng kape? tanong niya sa akin.. sige bahala ka sabi ko naman.. ayan tapos na.. pwede na ito.. ikaw na maglagay sa baunan mo.. layas na siya..


paglabas ko sa cr.. nagbihis na ako..hinanap ko yung johnsons cologne ng kapatid ko.. nakita ko sa taas ng tv.. kulay gold ang laman.. nilagyan ko ang kamay ko.. nilagay sa katawan.. konti sa leeg.. konti sa batok.. pagbaba ko sa cologne nakita ko ang pangalan! OH EM GEE! eskinol ang walang hiya! magkakulay kasi! buset! buset! hinayaan ko na lang medyo mabango naman.. haha!


sa opis.. break time! nilabas ko ang aking binagoongan na w/ asukal,ketchup and w/ magic sarap! pagtikim namin.. huwaw!! halos di mo na malasahan ang baboy sa sobrang alat! kulang na lang ng manggang hilaw.. may pamagic magic sarap pa siyang nalalaman wala naman epek!.. sa sobrang alat sinasawsaw na lang namin sa suka.. di na namin kinayang ubusin sa sobrang alat.. inuwi ko na lang ang tira..


pag-uwi ko sa bahay 1:45am na bukas ang ilaw ng kwarto ko.. aba si matty, naglalaro ng zuma! nakataas pa ang dalawang paa.. tinanong niya ako.. may dala ka bang makakain? oo meron sabi ko.. ayun sa bag.. yung niluto mo na binagoongan na may magic sarap! magic din sa alat! natawa pa siya habang naglalaro ng zuma.. dapat daw sabi ko nilagyan mo ng talong.. tsaka dapat mga dalawang kutsara lang ng bagoong ang ilagay.. aba! parang may lumabas na ilaw sa ulo niya! sabi ko na eh! sabi niya.. tapos sinisi pa ako.. eh di ka naman kasi kumakain ng gulay sabi niya.. sabi ko di ko naman kakainin pampaalis lang ng alat.. ok sabi niya.. next time alam ko na.. sabi ko.. WAG NA! yun lang..


pahabol.. nakita ko yung bagoong na natira sa garapon.. halos 1/4 na lang ang natira.. so marami pa rin ang nilagay niya..

Tuesday, February 24, 2009

matty..

last sunday..

ang galing ni matty! (nanay ko.. pinagandang tawag sa matwa.. sa tagalog matanda) naglaba ako ng damit ko.. bakit ako naglalaba? ayoko palaba sa kanila.. paano naman kasi.. last na nilabhan nila yung damit ko yung mga sando ko na white ng matuyo kulay pink na.. nagkaroon tuloy ako ng kulay pink na sando..

gabi yun.. mga 11pm na ata.. sa banyo ako naglalaba.. last na lang eh.. kinuha ko sa dryer yung mga pantalon.. sasampay ko na sila ng dumating ang main kontra bida sa istorya.. si matty, bat nakasindi lahat ang mga ilaw? sabi niya.. sabi ko naglalaba ako.. pinatay pa rin niya.. sabay alis.. pumunta sa labas.. bale cr na lang ang nakasindi.. ng lumabas ako sa cr ang dilim.. wala akong makita.. hawak hawak ko mga pantalon ko na nakahanger na.. nangapa ako sa dilim.. sisindihan ko na ang switch ng ilaw nang biglang tumama yung bandang ilalim ng tuhod ko sa papag! (in between knee and foot.. nuba tawag dun?) taena.. sakit.. muntik pa akong masubsob.. pero kahit nagkaganun man.. nakuha ko pa rin ma switch ang ilaw.. at makapagsampay sa labas..

pagbalik ko napaupo ako sa papag.. tiningnan ko yung tumama sa akin.. pucha! bumukol! binuksan ko yung ref.. kuha ako sa mga tinitinda niya ice candy.. ni roll roll ko sa bukol.. aba, epektib.. lumiliit ang bukol.. binalik ko yung ice candy sa ref.. good luck sa makakabili nun..

lumabas ako.. pinuntahan ko si matty,.. kinuwento ko ang nangyari.. pinakita ko sa kanya ang bukol.. imbes na makunsensiya, pinagtawanan pa ako.. nang umuwi siya, tinanong ako kung may nakasinding ilaw.. sabi ko pinatay ko lahat.. bwahaha.. pasalamat siya, wala akong choice kundi ang tumira sa kanya.. yun lang..

Friday, February 20, 2009

holiday daw.. buset!



finally, ginawa na ngang holiday ng malacaƱang ang edsa 1.. actually na moved siya ng feb 23.. magcecelebrate na sana ako.. kaya lang bakit estudyante lang (hanggang college level pa ata.. no offense) ang walang pasok? sila lang ba ang may karapatang gumunita sa edsa 1? dapat pati teacher may pasok.. di naman sila estudyante.. buset talaga.. kawawa naman kaming mga manggagawang pinoy.. kailangan din namin ng pahinga.. nyahaha..



kailangan ko ng eksplanasyon.. favorite holiday ko pa man din yan.. (joke lang) sana magbago ulit isip ng malacaƱang sa sabado.. kung wala silang isip sa sabado.. sa sunday na lang..



makakain na nga lang ng ampalaya..

Friday, February 6, 2009

naalala ko lang..


naalala ko lang ng pinakialaman ko yung 3210 ng kuya ko para maglaro ng snake..eh dahil nga sa pakialamero ako na block ko ang sim niya..

naalala ko lang ng basagin ko ang aking alkansya para pan down payment sa 3210 ng ate ako kahit 4 lang ang kilala kong may celphone..

naalala ko lang kapag nakakatanggap ako ng message na ang message tone ko eh level 5 na special.. nakakahiya pala yun..

naalala ko lang noong may sidecar kami.. ate ko nagdrdrive.. hinabol kami ng aso.. iniwan niya ang manibela at umupo sa tabi namin.. tumumba ang sidecar gasgas ang inabot namin..

naalala ko lang ng inutusan akong bumili ng calcibloc gamot para sa high blood.. binili ko calcium lact. (calcium lactate) kaya pala mura ang walang hiya..

naalala ko lang ng gumigising kami maaga para mag jogging ng mga kaibigan ko.. ngayon ko lang na realize na ang payat payat ko pala nun.. may pa jogging jogging pa akong nalalaman..

naalala ko lang ng nagpayabangan kami ng pinsan ko na tumalon sa isang pader.. tumalon ako na 1 foot ang difference sa kanyang tinalunan.. napilay ako.. binuhat nila akong pauwi..

naalala ko lang xmas party.. nabunot ang pangalan ko.. giftcert na worth 200 din yun.. natuwa ako.. kinabukasan kinukuha ko na sa manager yung prize ko.. di daw ako nanalo.. di daw nakacheck ang pangalan ko.. nagtaka ako at napahiya na rin.. napag alaman ko na dahil malabo ang mga mata ng manager namin.. ibang pangalan ang chineckan.. buset siya!

naalala ko lang ng first time kong makasakay ng honda civic.. kasama ko yung isa pang cashier.. sasakyan ng boss ko yun.. hinatid kami sa police station dahil nahuli niya kaming may pautang sa kaha.. humigit kumulang sa 10,000 pesos.. buti naman at kinausap lang kami ng pulis at di kami kinulong.. rest in peace sa kasama ko.. patay na siya.. baka lang matanong niyo..

naalala ko lang nang may pumasok na palaka sa bahay namin.. napatingin ako sa gawi niya.. nagulat ako't nagulat din siya sa pagkagulat ko.. nagugulat din pala sila..

naalala ko lang ng pinabilhan kami ng ice cream ng nanay ng ex husband ng ate ko.. sa baguio iyon.. tinanong kung anong flavor ang nabili namin.. lakas loob kong sinagot na rock and roll.. rocky road pala siya..

nalalala ko lang ng may sakit ang nanay.. may lbm ata.. nagpabili siya ng bear brand yung sterelized na nakalata.. pagkaabot ko sa kanya ininom niya agad.. nakalahati niya.. pinatabi na sa akin.. ng tingnan ko yung lata.. evaporada ang nakasulat.. mali yung ibinigay ng tindera di ko napansin.. tinawanan na lang namin..

ost na lang ulit ako pag may naalala ulit..

Tuesday, October 28, 2008

dila..

Jun 03, 2007 (old blog entry.. naglilipat lang ng bahay..)



wag muna ma shock sa taytol ng artik ko.. may connection naman ito..

kahapon bibili sana ako ng dvd kaso ala akong napili.. nag rent na lang ako ng vcd sa video city.. ni rent ko yung the bourne identity, nanny mcphee(na walang kwenta) tsaka yung eight below..(bida yung sa the fast & the furious..)

ok so pinanood ko yung first two.. nung sa eight below dun ako medyo na hook.. galing ng mga aso.. mas mautak pa ata sa mga tao.. hahaha! so ayun.. nung nasa bandang huli kung saan babalikan na yung mga aso na naiwan sa part ng antartica e biglang namatay yung dvd then balik sa umpisa.. taena.. kung kelan damang dama ko na tsaka pa nasira.. fast forward ko.. kapag andun na sa eksena na namamatay..

lintek na video city.. pinaparent pa nila yung mga vcd nila na sira na.. ginawa ko kinuha ko yung vcd then kinuskos ko sa damit.. walang epek.. mga 3x ko siguro ginawa ayaw talaga..

nabitin lang ako sa movie.. kumain na lang ako.. kaso di talaga ako mapakali.. gusto ko makita ending eh.. try ko na naman.. kuskos ulit.. wala talaga.. biglang may ka wierdohan na pumasok sa isip ko.. ang ginawa ko kinuha ko yung vcd.. dilaan ko sabay kuskos sa damit ko.. VOILA! umandar ang tanga! o diba? may connection ang taytol.. hahaha!

galing ko talaga.. so yun.. natapos ko na.. satisfied naman ako sa ending.. sana yung ibang ni rent ko (flyboys & fight club) di na kelangang dilaan.. hahaha! yung lang..

noong bata pa ako..

noong bata pa ako.. pumunta kami noon sa isang lugar na malapit sa amin para kumuha ng bunga ng aratilis.. mga 6 na bahay bago sa amin.. inaabot ko lang nun yung mga bunga kasi di ako marunong umakyat.. may nakita ako na pulang pula na bunga.. ini stretch ko yung kamay ko para makuha yung aratilis.. "konti na lang..ayan malapit.. splaaaaaaaaaaash!!na out of balance ako nahulog ako sa kanal.. dahil sa ako lang may kasalanan nandamay ako para di lang ako mapagalitan.. sinabi ko na tinulak ako ng ate ko..


noong bata pa ako.. maaga akong pumapasok para makakapaglaro muna ako sa mga kaklase ko.. sipa yung paborito namin non..nakita ko sila na naglalaro, siyempre sumali ako.. pero bago ka makasali dapat ikaw muna ang taya.. game naman ako dun.. so ako yung taya.. 1,2,3,4,5 sabay sipa nila na malakas.. dapat masalo ko yun para sila naman ang taya.. eto na.. hinabol ko yung sipa para masalo ko.. takbo ako.. swoooooosh.. di ko namalayan na sa putikan na pala papunta yung sipa.. ang ending.. nag dive ang lolo niyo sa putikan...


noong bata pa ako.. kasama ko noon ang 2 kong ate may bibilhin kami sa grocery.. sa may harapan ng grocery may kanal na maliit,sakto lang ang paa mo.. napasilip kami sa kanal may nakita kaming 1000.. syempre excited kaming makuha iyon.. pero umuwi muna kami at gumawa ng plano para makuha yung 1000 na walang makakakita..so eto na iyon.. bumalik kami sa grocery.. sinadya kong ihulog ang aking tsinelas sa kanal para isasabay kong kunin yung 1000.. success.. pumunta kami sa isang tabi.. para tingnan yung 1000.. parang nawalang saysay yung pinag gagawa namin ng makita namin na may nakasulat na "play money" sa 1000... sayang ang effort ko..


noong bata pa ako.. grade 1 ako nun.. oras na para umuwi, siyempre bata pa di ako marunong umuwi mag isa.. eh na wee wee wee na ako.. pumunta ako sa cr may mga naglilinis.. nahiya naman ako.. pinuntahan ko na lang yung ate ko para yayain na siyang umuwi.. aba, busy daw siya sa paglalaro ng telebers telebers.. gusto ko na talagang umuwi.. ang ginawa ko nag wee wee na lang ako sa shorts ko.. sabi ng kalaro niya.. woi yung kapatid mo umihi sa shorts niya.. nyahahaha.. o e di nagmadali siya na iuwi ako..


noong bata pa ako.. inutusan ako ng tita ko na bumili ng sibuyas.. pagbalik ko bawang ang dala-dala ko..


noong bata pa ako.. grade 5 ako ng makakuha ako ng kauna unahang award sa buong buhay ko.. ang "most behave" siyempre excited ako pers tym eh.. tapos may tsismis pa na mayaman daw yung magiging donor ko.. awards night.. nakaupo ako kasama lola ko.. ng biglang tinawag na ang makakakuha ng most behave students.. tayo naman agad ako.. yun pala isa-isa muna tatawagan ang mga nakakuha ng award na iyon.. at huli pala ako..dahil sa kahihiyan umupo ulit ako.. hanggang sa pangalan ko na ang tinawag.. akyat ako sa stage sabay abot ng sobre sa akin.. pagbaba ko sa stage na excite ako na buksan ang sobre kung magkano ang laman.. hula ko mga 500 or kung mas galante siya mga 1000.. pag bukas ko ng sobre mukha ng isang sergio osmenia ang nakita ko.. hmp! mayaman nga kuripot naman..


noong medyo bata-bata pa ako.. nagwowork ako sa jolibee.. nasa crew room kami noon nag kukuwentuhan.. nakatayo ako malapit sa cr.. hala sige kwento kwento.. ng biglang may cashier crew na pumasok sa cr.. pagkasara ng pinto, parang may naramdaman akong kakaibang sensasyon.. yun pala nakaipit na yung tatlong daliri ko sa pintuan ng cr.. nyahaha.. sakit nun...


parang ang sarap muling balikan noong bata ka pa.. sabagay bata pa naman ako.. "batang isip nga lang" ahehehe!!