Tuesday, October 28, 2008

dila..

Jun 03, 2007 (old blog entry.. naglilipat lang ng bahay..)



wag muna ma shock sa taytol ng artik ko.. may connection naman ito..

kahapon bibili sana ako ng dvd kaso ala akong napili.. nag rent na lang ako ng vcd sa video city.. ni rent ko yung the bourne identity, nanny mcphee(na walang kwenta) tsaka yung eight below..(bida yung sa the fast & the furious..)

ok so pinanood ko yung first two.. nung sa eight below dun ako medyo na hook.. galing ng mga aso.. mas mautak pa ata sa mga tao.. hahaha! so ayun.. nung nasa bandang huli kung saan babalikan na yung mga aso na naiwan sa part ng antartica e biglang namatay yung dvd then balik sa umpisa.. taena.. kung kelan damang dama ko na tsaka pa nasira.. fast forward ko.. kapag andun na sa eksena na namamatay..

lintek na video city.. pinaparent pa nila yung mga vcd nila na sira na.. ginawa ko kinuha ko yung vcd then kinuskos ko sa damit.. walang epek.. mga 3x ko siguro ginawa ayaw talaga..

nabitin lang ako sa movie.. kumain na lang ako.. kaso di talaga ako mapakali.. gusto ko makita ending eh.. try ko na naman.. kuskos ulit.. wala talaga.. biglang may ka wierdohan na pumasok sa isip ko.. ang ginawa ko kinuha ko yung vcd.. dilaan ko sabay kuskos sa damit ko.. VOILA! umandar ang tanga! o diba? may connection ang taytol.. hahaha!

galing ko talaga.. so yun.. natapos ko na.. satisfied naman ako sa ending.. sana yung ibang ni rent ko (flyboys & fight club) di na kelangang dilaan.. hahaha! yung lang..

1 comment:

yzah said...

eight below one of my faves!